Search This Blog

Loading...

Typhoon Pepeng Experience 4 (The Story of Survival 2)

>> Saturday, October 17, 2009

Apologies if I was not able to deliver the rest of the story about Typhoon Pepeng tragedy as promised. I was seriously pursuing my story on this the past two days, had to interview several authorities, and gather more information. I'm very excited and inspired of this story. I just hope I can deliver the writing well. Apart from that, I was also fixing my application for Solo Parent ID. Whew!

With the busy schedule on interviews, I missed (in a heartbeat!) the relief operation of Philippine National Red Cross-La Union in Naguilian, where I was supposed to take photos and interview victims. Good thing though, PNRC Chapter Administrator Almira Abrazado is very cooperative and ever willing to text me about their schedule of relief operations. I hope I would be able to tag along with the next relief op.Provincial Disaster Coordinating Council also gladly shared their photos for SecurityMatters Magazine.

And guess what, Ms. Almira also asked me if I wanted to volunteer as a writer for PNRC. Of course, I like! Hehe. I have always wanted to volunteer in a cause that I believe in. I mentioned before how my event management team tied up with PNRC way back for a benefit concert. Plus, having been a volunteer-writer once a decade ago for our parochial newsletter. It's in the heart.

Anyway, those are just updates. Read on for the last part of the story about Pepeng experience.

Noong gabi ngang iyon, halos walang natulog. May mga umiinom ng kape, kumakain ng Sky Flakes, at nagluto ng itlog at tuyo para kumain. Wala man kaming tinapay, pero nakahanda kami sa mga delata at noodles. Kanya-kanyang diskarte na, pero halos lahat kami hindi nakatulog. Ang mga ibang bata ganoon din, inabot na sila ng madaling araw bago naisipang matulog. Bukod doon, nagsipaghanda rin kami ng mga floaters, tulad ng basyo ng mga mineral water na sinusupply sa amin. Pati nga iyong inflatable pool ni Tarko ay inilagay ko rin sa tabi para ready nang lagyan ng hangin, kung sakaling pumasok na sa unang palapag ng bahay ang tubig.

Para kaming naghihintay sa bingit ng kaligtasan at kamatayan. Nasa terrace kami ng ilang pinsan ko kahit na nababasa sa lakas ng ulan at hangin, inoobserbahan namin kung papasok na sa bahay, dahil nga nakapasok na ito sa garahe namin. Nakakainis din naman kasi itong si Pepeng, para ba kaming pinaglalaruan talaga. May mga minuto kasi na bigla siyang hihina ng kaunti lamang, pagkatapos ay andiyan na ulit ang hampas niya. Ganoon ang naging siste sa buong magdamag hanggang umaga.

May pagkakataon kong tinabihan ang anak ko sa kwarto ng mga auntie ko at pinagmasdan siya habang tulog. Siguro may alas kuwatro na iyon ng madaling araw, naiisip ko kung paano ko ba ililigtas itong munting anghel ko sa posibleng lakas ng agos ng tubig na pumasok sa aming bahay. Paano ko siya ililigtas sa alam kong langoy aso lamang? Sa totoo lang, halos naiyak na ako pero pinigilan ko. Kailangan kong maging malakas palagi para sa aming dalawa. Ganoon din ang nasa isip ng ibang mga nanay na nasa kwarto ko nakitulog. Iyong isa, ang anak niyang babae ay anim na buwan pa lamang, at iyong isa naman ay mahigit isang taon lamang ang anak niyang lalake. Ang puso nga naman ng isang ina - masarap at mahirap ipaliwanag kung hindi ikaw mismo ang nasa lugar.

Nagdasal na lamang ako paulit-ulit ng Our Father, Hail Mary at Glory Be na nakasanayan ko nang pampatulog sa gabi, at Apostles Creed na tinext sa akin ng matalik kong kaibigan. Iyong huli halos may panahong natitigilan ako dahil nakakalimutan ko ang ilang parte sa nerbiyos na rin siguro - pero nababawi ko rin sa huli.

Sa buong magdamag, may dumaan na isang sand and gravel truck sa harap namin at tumigil sa isang kapitbahay sa di kalayuan. Pero dahil sa dilim, hindi namin naaninag kung may mga tao ba sa likod na nakaupo habang papalayo na ito sa barangay namin. Ang alam ko lang ay doon ito nagpunta sa lugar na malapit sa may ilog. Naalala ko iyong lugar na iyon dahil naglalaro ako doon noong bata pa ako.

Pero katulad ng sabi ko, hindi tumigil ang ulan at hangin hanggang madaling araw. Himala na lang talaga na hindi pinasok ang bahay namin, kahit nakahanap na ito ng paraan para makapasok sa garahe o harap ng bahay namin. Ang mga katabi naming bahay kung hindi hanggang tuhod ang tubig, ito ay hanggang baywang o dibdib. Isipin mo ang suwerte pa rin talaga namin, bukod sa mga tulo ng tubig sa bintana, ay hindi na pinasok ang bahay namin. Paano nakaya kami pati ang mga nakisilong kung sakali? Hay naku ewan ko.

May mga oras na tinatawagan ko pa rin ang mga ibang kamag-anak namin na hindi nasundo na sa taas ng tubig, kinukumusta sila kung ayos pa ba. Para kasing nakakakunsensiya rin na hindi sila nasundo, baka kung mapapaano din sila.

Sa totoo lang ang bilis ng oras ng gabing iyon, kasing bilis nang pag-akyat ng tubig. Naiisip na lang namin ng mga pinsan ko na di bale magliliwanag na, kung tumaas man ulit ang tubig ay may laban kami ng kaunti dahil nakikita namin ang paligid. Mahirap lumaban sa dilim. Pero sa awa talaga ng Diyos, humina ang ulan nang maguumaga na at bumababa ang tubig. Mga alas sais ng umaga nasa labas na lahat ng kapitbahay namin, nakatingin sa di kalayuan - kung saan lubog pa rin ng tubig ang tulay namin. Lahat ng mga sasakyan na nagpumilit lumabas ng baranggay ay bumabalik sa pinagmulan, trapped kami kumbaga.

Madaming kuwento ang mga kamag-anak at kapitbahay ko na lubog ang bahay sa baha. May mga lumulutang na ang mga gamit sa tubig. May iba naman na nasa tubig sila na hanggang leeg na halos noong gabing iyon at kumakatok sa isang kapitbahay para pagbuksan - pero hindi napagbuksan. Hindi nila alam kung sila ay sadyang di pinagbuksan or tulog daw ba talaga ang pamilya sa bahay na iyon. Gamit ang isang flashlight para signal, nakita sila ng isang German na kapitbahay at iyon ang kumukop sa kanila sa gitna ng baha. Pinakain, binigyan ng damit, at higit sa lahat pinatuloy ng buong puso hanggang kinabukasan.

Sa mga unos na tulad nito, o di kaya'y kahit sa ordinaryong araw lamang, hanggang saan ba talaga tayo handang tumulong sa kapwa natin, kailangan pa ba nating hintayin na maranasan ang tulad ng naranasan ng mga tunay na nasalanta para maisip mo kung gaano kahalaga ang pagtulong sa kapwa? Mahirap hong isipin na baka dumating din ang panahon sa kung sino man na wala ka nang matatakbuhan. Hindi ho imposibleng mangyari iyon. Sa nangyari sa aming baranggay na ang baha ay isang imposible - ngayon para sa akin ang lahat ay posible.

Sa dalawang opisyal na aking nakausap para sa istoryang isusulat ko sa magazine, pareho silang naniniwala sa Climate Change. Ang lahat ng ito daw ay may kinalaman sa ating pagpapabaya sa kapaligiran at kalikasan: basura, illegal logging, pollution, at kung anu-ano pa. Kailan daw ba magigising ang mga tao at magtatanda? Sana nga ay ngayon na.

Ibabahagi ko lang ang ilang litrato na aking nakuha bago pa man naubos ang baterya ng aking camera. Hindi ko pala nai-charge ito. Kaya wala po akong nakuhang litrato hanggang sa mga sumunod na araw na wala kaming kuryente - dalawang araw halos.


Tumataas pa lang ang tubig sa kalsada



Ang aming bahay na naging evacuation center.



Sana po ay magkaroon kayo ng pagkakataon na mabasa ang aking artikulo sa SecurityMatters Magazine tungkol sa trahedyang Pepeng sa aming probinsya. Sasabihan ko po kayo kung kailan ito lalabas. Salamat.

Add to Technorati Favorites

1 Shoot Me Some Love:

wait October 17, 2009 3:08 PM  

Nice : )
I'll buy a copy of that mag... ^.^

Disclaimer

All content written in this website is solely for purposes of general information. As we seek to provide correct and up-to-date information within the site, The Leaves of Tarkong does not make any form of representations or warranties as to the reliability, completeness, accuracy, suitability, relevance, or timeliness of content and information, products and services, or related images included in the website for any purpose. We accept paid advertising which may affect the content of the website. Hence, any reliance you place on the information is strictly at your own risk. All users and readers should be guided accordingly.

Lorem Ipsum

  © Blogger templates Palm by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP